Okay blog nanaman. At dahil sobrang puyat pa ako kagabi at over flowing ang emotions ko, itatagalog ko talaga ang blog na to. So ayun nga. After 2 weeks na inignore ko mga tawag niya pati sa chat di ko siya pinapansin, tumawag siya ulit kagabi. Nung isang araw kasi sobrang miss ko na siya, as in sobra. Kaya nung tumawag siya kagabi di ko napigilan, sinagot ko. Nasabi ko na rin sakanya for the first time na ayaw ko na. Nasabi ko na sana wag na niya ko kausapin. Nasabi ko na nahihirapan na ako. Akala ko yun na yung pinakamahirap na part, yung umamin sa nararamdaman mo, yung umamin na pagod ka na at nasasaktan ka na. Pero mas mahirap pala yung moment na hindi siya pumayag na iwan ka. Yung ayaw mo na nga umalis tapos maririnig mo pa yung boses niya na sobrang lungkot, yung tipong kahit alam mong frustrated na siya kalmado parin siya at pinipilit na wag mo siyang iwan. Hindi ko akalain na dadating kami sa araw na ‘to, yung araw na mapapagod ako. Yung araw na tatalikuran ko siya kahit na siya sinasabi na hindi niya kaya na hindi ako kausapin kasi ako nagbibigay ng ilaw sa mundo niya. Pero minsan kasi kailangan natin mas mahalin naman yun sarili natin. Kailangan natin matutong tumayo ng wala siya at mabuhay na hindi na siya kasama kasi habang hindi mo siya iniiwan alam mo masasaktan ka lang ng paulit-ulit. Halos maiyak ako kagabi kasi paulit-ulit kong sinasabi na ayaw ko na tapos paulit-ulit niya kong pinipigilan. Siguro nga iniisip ng mga kaibigan ko na ang tanga ko kasi sa kabila ng lahat ng ginawa niya, di ko parin maiwan-iwan. Kasi hindi naman daw siya sincere blah blah. Pero wala naman sila sa posisyon ko diba para malaman kung gano kahirap i give-up yung meron kami. Kasi wala naman sila dun pag magkasama kami, hindi naman nila nakita ano yung mga bagay na minahal ko sakanya at patuloy kong minamahal. Siguro yung masakit pa don kasi nararamdaman ko din na nasasaktan siya eh. Masakit sakin na nakikita kong nahihirapan siya, lalo na ako yung dahilan. Parang nag twist yun puso ko at nagrereplay lang sa utak ko yun tanong niya na “ayaw mo na ba sakin? kasi hindi mo na ko tinetext, di mo na ko chinachat, di mo sinasagot mga tawag ko, saka di ka narin nag g-gm sakin.” Ramdam ko sa boses niya na nasaktan siya dun e, hindi lang siya kumikibo ng ilang linggo. Sobrang halos mag plead siya sakin na wag ako mapagod at alam niya may mali sa ugali niya. Pero pagod na pagod na ako eh. Mahal ko siya pero hindi na enough yung love na yon para mag stay ako. Hindi na kayang i-support nun pagmamahal ko yun lahat ng pagkukulang na meron kami sa isa’t isa. Sabi nga niya ayaw niya na magka-gap kami. Yun lang yung way para hindi na kami mas masaktan eh. We have to grow apart at sobrang ayaw ko gumising araw-araw na ganon na kami pero kailangan.